Panimula bunga ng MTB-MLE, sinasabing madaling maunawaan ng

Panimula

            Nilagdaan
ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino noong ika-15 ng Mayo taong 2013 ang
isinabatas na R. A. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013) o mas kilala
bilang K-12 Curriculum. Ayon kina Estrada at Gargantiel (2013), ang batas na
ito ay nagsasaad na ang mga mag-aaral ay kailangang sumailalim sa mga baitang
mula Kinder hanggang Grade 12 sa kanilang pag-aaral ng batayang edukasyon. Ang
mga antas na ito ay binubuo ng pitong (7) taon sa primary education kasama ang
Kindergarten, apat (4) na taon sa Junior High School at dalawang (2) taon sa
Senior High School na may kabuuang labing-tatlong (13) taon.

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now

Kaangkla din sa batas na ito ay ang
pagpapatupad ng sistemang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE).
Ang MTB-MLE ay ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang unang wika (L1) bilang
wikang panturo mula Kindergarten hanggang ikatlong baitang. Isa ang Pilipinas
sa may maraming wikang ginagamit bilang dialekto ng wika ng mga Filipino na
kung saan mayroong humigit kumulang 181 na lengguwahe na naging sanhi ng
pagkakaroon ng problema ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagpaptupad ng nasabing
sistema. (Estrada & Gargantiel, 2013)

Ayon kay Kalihim Mona Valisno ng Kagawaran ng
Edukasyon, layunin ng MTB-MLE na makapaghubog ng “lifelong learners” na bihasa
sa paggamit ng unang wika, ng pambansang wika, at iba pang salita kagaya ng
Ingles. May mga pag-aaral na nagpatunay ng mabuting bunga ng MTB-MLE,
sinasabing madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang leksyon dahil ang ginagamit
na salita o wika ay ang wikang kinagisnan. Ayon kay Director Paraluman Giron ng
DepEd Region IV-A maging ang isa sa mga masugid na tagatangkilik ng MTB-MLE, sa
unang taong pag-aaral ng mga bata mahalagang gamitin ang unang wika upang
masanay sila sa mas malawak na pag-iisip. Binigyang diin din ni Giron, kung
gagamitin ang unang wika sa pagtuturo sa mga bata masasanay sila sa pagsasagot
at pagtatanong ng “bakit” na siyang susi sa mas malalim na pagkaunawa. (PIA
Achieve News Reader, 2010)

            Ayon
kina Abad at Ruedas (2001), sinasabing ang pinakamalinaw at magiging gamitin na
wikang panturo sa mga nag-uumpisa pa lang mag-aral upang malaman ang kahulugan
at maintindihan ang pananaw ng bawat tao sa kanilang mundong ginagalawan ay ang
wikang kanilang naintindihan at madalas na gamitin.

            Sa
kabilang banda, kasabay ng pagpapahayag sa mabuting bunga nito may mga
pag-aaral na nagpapatibay na may desbentaha rin ang nasabing programa. Ayon kay
Ronquillo (2016), napatunayang may kamahalan ang pagsasalin sa mga kagamitang
pang-edukasyon sa walong (8) lenggwaheng nirekomenda ng DepEd. Karagdagan nito,
kung pinaboran ang Mother-Tongue, ang kasanayan sa Ingles ng mga bata maging sa
pambansang lenggwahe ay maaaring mabawasan.

            Sa
pag-aaral nina Bendanillo, et al., (2014), may mga katha na binuo hinggil sa
problema sa pagpapatupad ng MTB-MLE sa pagtuturo sa iba’t ibang pinangyarihan.
Ito ay ang mga kawalan ng mga aklat na nakasulat sa Mother-Tongue, kakulangan
sa talasalitaan at kakukangan sa kasanayan ng mga guro.

            Sa
kabila ng mga pahayag sa MTB-MLE nararapat lamang na isalin ang mga kwentong
pambata upang mas lalong makuha ang nais ipabatid ng kwento. Ayon
kay Larson (1984), ang pagsasalin ay pagbibigay ng nais ihatid na mensahe ng
unang wika na gumagamit ng mga batas pambalarila ng wikang pinagsasalinan.
Gayundin ni E. Nida (1959/1966), sinasabing ang pagsasalin ay paglilipat wika
sa pinagsasalinang wika na katubas ng mensahe batay sa kahulugan at istilo
nito. Sinabi rin ni Newmark (1977), ang pagsasalin ay pagsasanay na binuo upang
magtangkang mapalitan ang lenggwahe ng orihinal sa ibang lenggwahe na may
parehong mensahe.

            Ayon
sa teorya sa pagsasalin ni John Dryden, may tatlong uri ng salin: (1)
metaphase, o salita-sa-salitang katumbas ng simulaang lenggwahe patungo sa
tunguhang lenggwahe; (2) paraphrase, o ang pagsasalin ng kahulugan sa kahulugan
ng bawat salita; at (3) imitation, o isang malayang pagsasalin na kung saan
maaaring baguhin ng tagasalin ang orihinal sa ano mang paraan na kung saan
palagay niya ay tama. (Batnag & Petras, 2009)

            Noong
taong 2016, ang mga mag-aaral sa kolehiyo ng edukasyon sa pamantasan ng Angeles
University Foundation ay nagkaroon ng pananaliksik tungkol sa pagsasalin ng mga
piling kwentong pambata sa ikatlong baitang na magagamit sa pagtuturo ng
MTB-MLE. Naging matagumpay ang nasabing pag-aaral sa layuning maisalin sa
Kapampangan ang mga piling kwentong pambata ng ikatlong baitang bilang tugon sa
kawalan o kasalatan ng mga kagamitang pampagtuturong gagamitin sa MTB-MLE at
mataya ang bisa ng pagkakasalin ng mga ito. Ang dalawang akdang kanilang
isinalin ay naaprubahan at napabilang sa mga kagamitang panturo sa MTB-MLE para
sa ikatlong baitang.

Sa kasalukuyan, limitado pa lang ang mga
kagamitan sa pagtuturo ng nasabing programa. Kaya’t ang mga mananaliksik mula
sa pamantasan ng Angeles University Foundation ay nagtangkang magsagawa ng
isang imbestigasyon upang maisagawa ang pagsasalin at maragdagan ang
mga akdang pambata sa Kapampangan upang magamit sa pagtuturo ng MTB-MLE sa
ikalawang baitang na siya namang
layunin ng mga mananaliksik at ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: (1) Paano
inilarawan ang pagpili ng mga kwentong pambatang isinalin?, (2) Anong teorya at paraan
ang dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng mga piling kwentong pambata upang
makamit ang katapatan at kahusayan ng saling mga akda at ang katumpakan nito sa
mga target na mambabasa?, (3) Ano
ang taya ng mga dalubhasa sa wika sa mga naisaling piling akda batay sa: (a) diwa, (b) estetikong katangian,
(c) kahusayan ng mga saling-akda, at (d) kaangkupan ng mga saling-akda sa mga
target na mambabasa, at (4) Ano ang taya ng mga piling guro ng ikalawang
baitang sa kahusayan ng bawat saling-akda sa kakayahan ng pagbabasa at
komprehensyon ng mga target na mambabasa ayon sa: (a) dulas, (b) bokabolaryong salita, (c) mensahe, at (d)
komprehensyon na masasagot sa pagpapatuloy ng pananaliksik.

 

Disenyo ng Pananaliksik

Ang
napiling pamamaraan ng mga mananaliksik na gagamitin sa pananaliksik na ito ay
deskriptibo o palarawan na pamamaraan. Ayon kay Shuttleworth (2008), ang
deskriptibong pamamaraan ay isang siyentipikong paraan ng pananaliksik na
kinapapalooban ng mga obserbasyon at paglalarawan sa gawi ng paksa ng hindi ito
nagbabago. Ang pamamaraang ito ay gagamitin upang ilarawan ang mga paraan sa
pagsasalin ng mga piling kwentong pagbata at ang pagiging mabisa ng mga ito sa
mga target na mambabasa. Bibigyang-pansin ang pagtataya ng mga dalubhasa sa
wika ang mga isasaling piling akda batay sa diwa, estetikong katangian,
kahusayan ng mga saling-akda, at kaangkupan ng mga saling-akda sa mga target na
mambabasa. Sa kabilang banda, bibigyang-pansin din ang pagtataya ng mga piling
guro ng ikalawang baitang sa kahusayan ng bawat saling-akda sa kakayahan ng
pagbabasa at komprehensyon ng mga target na mambabasa. Ipinapakita na
binibigyang linaw ng disenyo ng pananaliksik ang angkop na paraan sa pagsasalin
ng mga piling kwentong pambata para sa ikalawang baitang pagkatapos ng
pagtataya sa mga ito. Ang mga gagamiting kagamitang pampagtuturo ng mga piling
guro sa MTB-MLE sa ikalawang baitang ay ang mga piling isasaling akda.

 

Pamamaraan

            Upang malaman kung ilang mga
mag-aaral sa ikalawang baitang ang isasangkot sa pananaliksik na ito, kukunin
ng mga mananaliksik ang kabuoang populasyon ng mga mag-aaral sa ikalawang
baitang. Kakalkulahin gamit ang pormulang Slovin ang kabuoang populasyon upang
makuha ang bilang ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang ang magiging kasangkot
sa pananaliksik na ito. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng fish-bowl method sa
pagpili ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang ng Salapungan Elementary School
na may gamit na Kapampangan bilang L1 na kung saan sila ang tutukoy sa mga
akdang isasalin. Tatlong dalubhasa sa wikang Kapampangan ang susuri sa mga
isasaling akda batay sa diwa, estetikong katangian, kahusayan ng mga
saling-akda, at kaangkupan ng mga saling-akda sa mga target na mambabasa.
Karagdagan nito, susuriin ng mga piling guro na nagtuturo ng Filipino at Mother
Tongue ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang sa nasabing paaralan ang
kahusayan ng bawat saling-akda sa kakayahan ng pagbabasa at komprehensyon nito.

 

Kasangkot sa Pag-aaral

Ang
mga respondyente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng Salapungan
Elementary School na nasa ikalawang baitang na mayroong L1 na Kapampangan.
Pipili ng mag-aaral na magiging kasangkot sa pamamagitan ng fish-bowl method
upang maging patas ang pagpili. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, sa kasalukuyan,
mayroong asignaturang Mother Tongue ang mga respondyente at nasa ilalim ng
MTB-MLE na gumagamit ng wikang Kapampangan. Kasama sa mga pinag-aaralan ng mga
mag-aaral ay ang mga kwentong pambatang pinagpipilian sa isasagawang sarbey na
kanilang pinag-aaralan sa asignaturang Filipino na nais nilang maisalin sa
Kapampangan.

Upang
mataya ang mga napiling akda ng mga mag-aaral, sasangguni ang mga mananaliksik
sa mga piling guro ng ikalawang baitang sa Mother Tongue na nagtuturo sa
Salapungan Elementary School na pawang guro ng sampung mag-aaral upang pumili
ng dalawang kwentong pambata batay sa tema na pipiliin sa pamamagitan ng
lottery method. Sila rin ang magtataya sa kakayahan ng mga mag-aaral batay sa
pabasang kakayahan at komprehensyon sa mga babasahing saling-akda na siya
namang tatayain ng tatlong (3) dalubhasa sa wikang Kapampangan.

 

Instrumento ng Pananaliksik

            Ang mga mananaliksik ay magsasagawa
ng isang sarbey upang malaman ang mga kwentong pambatang nakapupukaw sa mga
mag-aaral at ito’y isasalin. Sa loob ng sarbey ay makikita ang mga kwentong
pambata na nasa kurikulum ng ikalawang baitang. Ang mga mag-aaral ang pipili ng
dalawang kwentong pambata na isasalin sa loob ng sarbey at gustong kwento ng
mga mag-aaral. Pagkatapos makuha ang lagom ng mga mananaliksik na naging
resulta ng sarbey sa mga mag-aaral ay magsasagawa ng panibagong sarbey sa mga
guro sa pamamagitan ng isang papel sa pagtataya na batay sa mensahe ng kwento,
kalinawan ng salin, at kaangkupan ng haba.

Pagkatapos
malaman ang mga isasaling akda, ang mga mananaliksik ay magsisimula ng magsalin
sa tulong ng teorya ni John Dryden. Karagdagan nito, itataya ng mga eksperto sa
Kampampangan ang mga isinaling kwentong pambata ng mga mananaliksik sa
pamamagitan ng isang papel sa pagtataya. Susuriin ang mga kwentong pambata sa
kahusayan ng saling-akda, diwa, at kaangkupan ng saling akda sa mga target na
mambabasa.

 

 

 

Proseso ng Pananaliksik

            Kumunsulta
ang mga mananaliksik kay Gng. Jennifer P. Santillian na siyang tagapayo sa
pananaliksik upang humingi ng mungkahi kung anong paaralan ang nararapat sa
gagawing pananaliksik. Iminungkahi niya ang Salapungan Elementary School bilang
isang paaralang may asignaturang MTB-MLE (Kapampangan) na kung saan kulang ang
mga kagamitang pampagtuturo sa nasabing asignatura.

Upang
makapangalap ng sapat na datos sa gagawing pananaliksik tungkol sa kakulangan
sa kagamitang pampagtuturo. Ang mga mananaliksik ay hiniling na makapunta sa
Division Office ng Angeles kung kaya’t nagbigay ang mga mananaliksik ng isang
liham na nagsasaad na humihingi ng pahintulot na magtungo sa Division Office
upang magtanong sa nasabing suliranin. Sa tulong ni Dr. ….(Supervisor ng
Division Office). Malalaman dito ang kakulangan ng mga kagamitang panturo sa
ikalawang baitang para sa asignaturang Mother Tongue.

Pagkatapos
tumungo sa Division Office, tutungo ang mga mananaliksik sa DepEd upang
magpatunay na mga kagamitan sa MTB-MLE mula sa LRMDS (Learning Resource
Management and Development System) portal. Magtatanong kung may sapat bang
kagamitan sa MTB-MLE ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang.

Makatutulong
ito para maragdagan ang mga ilang kwentong pambata. Pupunta ang mga
mananaliksik sa silid-aklatan ng Angeles University Foundation upang maghanap
ng mga ideya at datos na kanilang kailangan para maisagawa ang pananaliksik.
Karagdagan nito, gagamit pa ang mga mananaliksik ng mga libro, dyornal, impormasyong
mula sa internet at ilang mga pananaliksik na kaugnay sa pag-aaral at
literatura na makatutulong sa gagawing pananaliksik.

Dahil
dito, hihingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa punong-guro at mga guro ng
ikalawang baitang sa Salapungan Elementary School sa pamamagitan ng pagbibigay
ng isang liham. Ito ang magiging daan upang maisagawa ng mga mananaliksik ang
sarbey sa mga mag-aaral at malaman ang dalawang (2) kwentong pambata na
makapupukaw sa kanila. Bibigyan ito ng taya ng mga guro ng ikalawang baitang sa
nasabing paaralan upang mapili ang mga ilang kwentong pambatang isasalin ng mga
mananaliksik Pagkatapos mapili ang mga kwentong pambata na isasalin, uunawain
at babasahin ng maayos ng mga mananaliksik ang mga kwentong pambata.

Ang
unang papel na naisaling akda ay itataya ng tatlong eksperto sa wikang
Kapampangan batay sa diwa, at kahusayan ng saling-akda.  Ang resulta ng naging pagtataya ay
magkakaroon muli ng pagrerebisa. Pagkatapos na maaprubahan ng tatlong eksperto
ang mga narebisang saling-akda, gagawa ang mga mananaliksik ng isang pagsusulit
na mayroong limang katanungan sa bawat kwento at ipasusuri sa mga guro ng
ikalawang baitang sa Salapungan Elementary School. Pagkatapos itong masuri,
muli itong irerebisa ng mga mananaliksik. Sisimulan na ng mga nasabing guro ang
pagtataya sa pabasang kakayahan at komprehensyon ng mga target na mambabasa.
Kasabay nito, ipapasagot ang ginawang pagsusulit at pagkatapos ay itatanong ng
guro sa mga mag-aaral kung ano ang mensahe o buod ng kwento. Sa pamamagitan ng
resulta ng pagsusulit ay malalaman ng mga guro kung angkop ba ang ginamit na
metodo at teknik sa pagsasalin at kung magiging epektibo ba ang naisaling akda
sa mga target na mambabasa.

Pag-aanalisa ng mga Datos

            Sa pag-aanalisa ng mga datos, ang mga
mananaliksik ay gagamit ng weighted mean ng mga naging pagtataya sa bawat
pamantayan na nakapaloob sa mga evaluation tool upang malaman kung ang mga ito
ay malinaw na magkaroon ng 3.1 hanggang 4.0 upang masabing ang mga eksperto ay
lubos na sumasang-ayon, 2.1 hanggang 3.0 para sa sumasang-ayon, 1.1 hanggang
2.0 para sa di-sumasang-ayon at 1.0 pababa upang masabing ang mga eksperto ay
lubos na di-sumasang-ayon na ang mga pamantayan ay malinaw na makikita sa bawat
saling akda.

x

Hi!
I'm Simon!

Would you like to get a custom essay? How about receiving a customized one?

Check it out